FIRST OPENING STATEMENT OF MAYOR VICTOR JAMES B. YAP SR., AS LOCAL CHIEF EXECUTIVE OF GLAN SARANGANI PROVINCE
Nobyembre 22, 2022 || Glan Sarangani Province, naging matagumpay ang pag uulat ni Municipal Mayor Victor James B. Yap Sr., sa kanyang mga nagawa sa unang daang araw ng kanyang panunungkulan bilang alkalde ng lungsod. Sa kanyang 100 days report na ginanap sa Enrique D. Yap Sr. Cultural Center, Glan Sarangani Province ngayong araw, isa -isang inilahad ng alkalde ang mga programang kanyang tinutukan lalo na sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan.
Sentro ng kanyang Talumpati ang siyam (9) na agenda ng kanyang administrasyon na kinabibilangan ng mga sumusunod: Field of Information Technology, Infrastructure, Tourism, Health, Education, Environment, Agriculture, Peace and Order and Social Services. Inilahad ng alkalde ang kanyang taos pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo sa programa at walang sawang sumusuporta sa kanyang administrasyon Nanawagan din ang alkalde sa mamayan at opisyal ng kanyang nasasakupan na tulungan siyang maisatupad ang mga programa at proyektong kanyang nasimulan upang makamit ang kaunlaran ng lungsod sa Glan. Nakiisa sa pagtitipon ang Miyembro ng Sangguniang Bayan, Provincial Governor of Sarangani, Provincial Board Member, Regional at Provincial Directors ng ibat – ibang ahensya ng gobyerno, Department Heads, Barangay Officials at iba pang mga bisita.